Nananatiling mapanganib sa Mindanao.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos igiit na kailangan ang pulido at plantsadong pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa kanyang talumpati kasabay ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal sa Malacañang, ayon sa Pangulo – mayroon pa ring ‘lawless violence’ kahit umiiral ang martial law matapos ang Marawi siege noong 2017.
Hinimok din ng Pangulo ang mga kaukulang awtoridad na pabilisin ang implementasyon ng batas na nagtatag sa Bangsamoro Autonomous Region.
Pero aminado rin ang Pangulo na nagkaroon ng ‘breakdown’ ng komunikasyon sa pagitan ng central government at sa mga namumuno ng Bangsamoro Region.
Matatandaang July 2018, nang malagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11054 o BOL.
Facebook Comments