Mindanao, uulanin ngayong araw dahil sa ITCZ; pinakamataas na heat index na 42 degrees Celsius, posibleng maitala sa Pangasinan at Cavite

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Mindanao ngayong araw bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.

Habang patuloy pa ring makakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa ang easterlies o yung mainit na hangin galing sa Karagatang Pasipiko.

Kaya asahan ang generally fair weather o mainit na panahon ngayong araw.


Sa pagtaya naman ng PAGASA, posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point sa Cavite ang pinakamainit na heat index o yung init na nararamdaman ng isang indibidwal na 42 degrees Celsius.

Kahapon, pumalo sa 43 degrees Celsius ang pinakamainit na heat index sa Aparri, Cagayan.

Facebook Comments