Mindanao Week of Peace, pormal nang binuksan sa ARMM!

Pinangunahan mismo ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang opening ceremony ng 2017 Mindanao Week of Peace celebration sa rehiyon sa ARMM compound dito sa Cotabato City, dinaluhan ito ng mga opisyales at empleyado ng regional government.
Ang selebrasyon ng Mindanao Week of Peace ay pagkilala sa common aspirations ng Mindanaoans na mamuhay ng mapayapa, magkakaisa at may pagkakasundo sa kabila ng estado sa buhay, relehiyon at kultura at naghahangad na maiangat ang kamalayan hinggil sa culture of peace sa pagitan ng mamamayan ng Mindanao.
Kaugnay ng temang “Sustaining the Journey for Peace”, binigyang diin ni Gov. Hataman ang kahalagahan ng papel ng bawat Bangsamoro para sa minimithing tunay na kapayapaan.
Hinikayat din ng gobernador ang lahat na suportahan ang panawagan para sa kapayapaan hindi lamang sa panahon ng Mindanao Week of Peace celebration ngunit sa lahat ng pagkakataon.
Sa opening program ay nagkaroon ng interfaith prayer na pinanganahan ng mga kinatawan ng tri-people sa Mindanao, ang Moro, indigenous people, at settlers.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments