Mine loading sa Eastern Samar, isang regular mining at export operation ayon sa DENR

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang iregularidad sa mine loading sa Homonhon Island sa Eastern Samar.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, nagaganap na aktibidad ay bahagi ng regular na mining at export operations operations sa naturang lugar.

Ginawa ni Antiporda ang paglilinaw upang pabulaanaan na ang nasabing mga mine loading activities ay sinikreto at itinaon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Ani Antiporda, mismong Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga negosyo na export-oriented katulad ng operasyon ng Techiron Resources, Inc. ay dapat na magpatuloy.

Siniguro ni Antiporda na ipinatutupad ang proper safety protocols at guidelines para sa pagsakay ng mineral shipment sa isang dayuhang barko na kinumisyon ng mining company.

Makakaasa, aniya, ang mga residente na may proteksyon ang mga nagtatrabaho sa minahan, mga tauhan sa pier at estibador sa panganib na dala ng COVID-19 pandemic.

Dinagdag pa ni Antiporda na ang loading ay gumagamit ng makinarya at walang Pilipino ang pinapayagang pumasok sa loob ng nasabing foreign cargo vessel.

Facebook Comments