Minero, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang itinuturing na Regional Top 10 Drug personality sa ikinasang drug buy-bust operation bandang 7:05 kagabi sa Sitio Callagdao, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Crenton Bagay alyas ‘Tonton’, 32-anyos, minero at residente ng Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Positibo ng napagbentahan ng suspek ng isang pakete na naglalaman ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.


Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa plastic wrapper at isang cellphone.

Samantala,tumitimbang naman ng nasa humigit kumulang 1.6 grams na may street value na P12,000,000 habang ang nakuhang marijuana na higit kumulang 3 grams ay nagkakahalaga ng P18.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments