Mines and Geosciences Bureau, isinusulong ang pagbuo ng hiwalay na ahensyang tututok sa Environmental Laws ng bansa

Isinusulong ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang pagbuo ng hiwalay na kawanihan na tututok sa Management ng Environmental laws ng Pilipinas.

Ayon kay MGC Director Wilfredo Moncano, kailangang magkaroon ng evironmental enforcement task force upang magkaroon ng dagdag na resources, manpower, at leverage na makikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies.

Bagamat mayroong Enviromental Laws, kailangang mayroong mahigpit na tagapagpatupad nito.


Ang Environment Enforcement Task Force ay nangangasiwa sa Environmental Protection Laws mula mining, logging, wildlife protection, at agricultural policies.

Samantala, nanawagan din ang MGB sa small-scale miners na magparehistro at sumali sa mga kooperatiba.

Facebook Comments