Mini Backhoe, Sinunog sa Loob ng Warehouse!

85

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa natagpuang sinunog na mini backhoe sa loob ng isang warehouse sa Barangay Sandiat East, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang may-ari ng nasabing equipment at warehouse na si Larry Ignacio, nasa tamang edad, negosyante at residente sa naturang lugar.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Resty Derupe, OIC ng PNP San Manuel, Isabela, pasado alas 11:00 kagabi nang madatnan ng mga otoridad ang nansabing equipment na nilalamon na ng apoy at nadamay pa ang isang nakaparadang owner type jeep na sasakyan sa loob rin ng warehouse.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang nasa likod ng panununog sa naturang mini backhoe.

Samantala, wala namang nasugatan o nasaktan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers