Mini Loop Routes para sa city buses sa Metro Manila, operational na

Mas mapapagaan pa ang pagbiyahe ng mga commuter matapos ipatupad ang Mini Loop Routes para sa city buses sa Metro Manila.

Kabilang sa mga ruta na magiging operational ay ang Monumento hanggang MRT Quezon Ave. Station at PITX hanggang Ayala sa Makati City.

Habang ang rutang Timog – Santolan naman ay mag-uumpisang magserbisyo simula Miyerkules, ika-isa ng Hulyo ngayong taon.


Gagawin nang regular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang assessment para matiyak na may sapat at ligtas na pampublikong transportasyon.

Paalala ng LTFRB sa mga operator at driver ng mga Public Utility Buses (PUBs), sundin lamang ang mga protocol na nakapaloob sa Memo Circular 2020-018 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ilan lamang dito ang pagsusuot ng face mask at gloves, paglilinis at pag-disinfect ng unit bago at pagkatapos ng kada biyahe o kada dalawang oras, pagsunod sa passenger seating capacity at iba pa.

Facebook Comments