“Mini rollout” ng bakunahan sa mga batang 5-11 taong gulang, isasagawa sa Pebrero

Plano ng gobyerno na magsagawa ng “mini rollout” ng COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na balak nilang gawin ang mini rollout sa February 1 hanggang 7.

Sa Enero 31 inaasahang darating sa bansa ang suplay ng Pfizer COVID-19 vaccines na ituturok para sa nasabing age group.


Bukod dito, target din ng pamahalaan na tapusin ang booster vaccination sa mga edad 12 hanggang 17 sa unang quarter ng 2022.

Habang sa ikalawang quarter ng taon, sisimulan na rin ng gobyerno ang pagbabakuna sa 11.11 million na mga batang 0 to 4 years old.

Facebook Comments