Minimal brown-out, posibleng maranasan sa Luzon grid kasunod ng maintenance ng Sual power plant ayon sa Department of Energy

Posibleng makaranas ng minimal brown-out ang Luzon grid kasunod ng biglaang maintenance ng Sual power plant simula bukas, April 29 hanggang May 1, araw ng paggawa.

Ito ay matapos magkasundo ang National Grid Corporation of the Philippines at ng TeaM Sual Corp. na ayusin ang tagas mula sa boiler tube ng planta at linisin ang generator stator lot bar.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nakikipag-ugnayan na sila sa Meralco at iba pang power distribution companies upang paganahin ang kanilang interruptible load program upang maibsan ang epekto ng maintenance ng Sual sakaling kulangin ang suplay.


Dahil dito, hinimok ng DOE ang publiko na maging masinop sa paggamit ng kuryente tuwing peak hours habang inabisuhan din ang mga bahay at opisina na ilagay lamang sa 25 degrees Celsius ang temperatura ng kanilang aircon.

Pinaghahanda naman ang mga ospital, blood bank, dialysis center at iba pang pasilidad na i-standby ang kanilang generator sets sakaling magkaroon ng power interruption.

Facebook Comments