Minimum age of criminal liability, ipinabababa sa 10 taong gulang

Ipinababa sa sampung taong gulang mula sa kasalukuyang 15 taong gulang ang minimum na edad para sa mga batang nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ito ang nilalaman ng panukalang batas na inihain ni Senator Robinhood Padilla na layong amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act o ang Republic Act 9344 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga youth offenders ngayon.

Sa panukala, ang mga batang edad na sampu hanggang bago mag-18 anyos na nakagawa ng krimen at naghihintay ng desisyon ng korte ay ipapasok sa youth rehabilitation center o Bahay-Pag-asa at ma-e-exempt din ang mga ito sa criminal liability at isasailalim lamang sa intervention maliban kung mapatunayan ng korte na may discernment o nauunawaan ang bigat ng krimen na ginawa.

Gayunman, ang mga kabataang higit sa sampung taon hanggang 18 anyos na nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay hindi exempted sa criminal liability partikular sa mga kaso ng parricide o pagpatay sa magulang, murder, infanticide o pumatay ng sanggol, kidnapping, arson, illegal drug case, serious illegal detention at carnapping kung saan may pinaslang at may pinagsamantalahan.

Sa mga non-heinous crimes ay idi-dismiss ang kanilang mga kaso at irerefer ang bata sa local social welfare and development officer na siyang tutukoy naman kung dapat pa ba silang ibalik sa mga magulang o ipasok na lamang sa intervention program.

Facebook Comments