MINIMUM FARE SA JEEP SA ILOCOS REGION, NANATILI SA 9 NA PISO

Inihayag ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na wala pang pagtaas sa minimum fare sa Ilocos Region matapos maaprubahan ang petisyon ng mga transport group sa NCR, Region 3 at 4.
Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Annabel Marzan-Nullar ang Asst. Regional Director ng LTFRB Region 1, nanatili sa siyam na piso ang minimum fare sa mga pampublikong jeep sa rehiyon.
Aniya, bago pa man ang pandemya nasa walong piso ang minimum na pamasahe naging siyam na piso noong nagkaroon na ng pandemya.

Aniya, kapag natapos ang pandemya babalik ito sa walong piso.
Binigyang linaw ng opisyal na walang karagdagang dagdag sa pamasahe sa rehiyon dahil wala namang natatanggap na petisyon ang kanilang ahensya.
Matatandaan na muling ihihirit umano ng AUTPRO Pangasinan ang dagdag na limang piso taas sa minimum fare dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Samantala, sakali mang matanggap ang pormal na petisyon ng Autopro dadaan ito sa masusing pag-aaral ng LTFRB bago aprubahan. | ifmnews
Facebook Comments