Minimum health protocols, titiyakin pa rin sa harap ng muling pagpapatupad ng curfew sa NCR

Pakiusap ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na sumunod at igalang ang mga nagpapatupad ng batas ngayong nananatili pa rin ang pandemya.

Ito ay sa harap na rin ng muling pagpapatupad ng curfew sa National Capital Region (NCR) para mabawasan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, mahigpit ang bilin niya sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance sa mga pasaway na lalabag sa curfew.


Pero hindi aniya ibig sabihin nito ay wala nang mangyayaring pag-aresto dahil gagawin pa rin ito ng mga pulis.

Ngunit habang nanghuhuli ng violators, dapat aniyang masunod pa rin ng mga pulis ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Una nang inihayag ng PNP na sa 9,000 pulis ang nakakalat na sa buong NCR para magpatrolya at magmando sa mahigit 300 checkpoints.

Facebook Comments