Minimum health standards, dapat tiyakin ng gobyerno na naipapatupad ng mahigpit sa workplaces

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin ang pag-iinspeksyon sa workplaces sa buong bansa.

Ayon kay Villanueva, ito ay para matiyak na naipapatupad ng mga kompanya ang occupational safety at health standards para maproteksyunan ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19.

Mensahe ito ni Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa habang unti-unting binubuksan ang mga negosyo at marami na ang bumabalik sa trabaho.


Bilang Chairman ng Committee on Labor ay hinikayat din ni Villanueva ang mga employer na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng work-from-home arrangement alinsunod sa itinatakda ng Telecommuting law o Republic Act No. 11165.

Binigyang-diin ni Villanueva na malaki ang banta na dapuan ng virus ang mga manggagawa dahil sa kanilang madalas na paglabas ng bahay at pagbiyahe para pumasok sa trabaho.

Facebook Comments