Nagpaalala ang Department of Health-Center for Health Development 1 sa publiko na sundin pa rin ang minimum public health standard sa pagdiriwang ng holiday gatherings.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ito ay upang hindi magaya ang Pilipinas sa ibang bansa na nagkaroon ng pagtaas ng kaso na dahilan ng pagpapatupad ng lockdown.
Aniya, malaking hamon ngayon ang pagsunod sa MPHS dahil boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask ngunit ipinayo ni Bobis na ito ay kailangang isuot sa mga high risk setting.
Mahalaga din umano ang pag implementa sa social distancing at pag-a isolate kung nakakaranas na ng sintomas ng sakit.
Sa Region 1, walang nakikitang pagtaas sa kaso ng sakit kung kaya’t ito ay nananatili sa Alert Level 1.
Sa kasalukuyan nasa 623 ang aktibong kaso ng COVID-19 dito pinakamarami dito ay nasa Pangasinan na nasa 193, sinusundan ng La Union na may 185, 134 na kaso sa Ilocos Norte, Ilocos Sur na mayroong 89 at 22 sa lungsod ng Dagupan. | ifmnews
Facebook Comments