Nakabili ang ilang manggagawa mula sa Hundred Islands Hotels Transients Restaurants Operators Association sa Alaminos City ng P20 bigas sa naging programa ng DOLE – Western Pangasinan Field Office.
Ang mga naturang benepisyaryo ay tinukoy na minimum wage earners at kabilang sa mga grupo na unang target makabili ng bigas sa murang halaga.
Alinsunod sa regulasyon ng programa, hanggang sampung kilo lamang ang maaaring bilhin ng isang benepisyaryo.
Kinatigan ng mga pamahalaan at mga naturang benepisyaryo ang paglapag ng murang bigas sa lungsod bilang malaking bawas sa araw-araw na pantustos sa pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









