Inatasan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang Regional Tripartite Wages & Productivity Board na aralin ang posibleng adjustment sa minimum wage ng mga manggagawa.
Sa harap ito ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Bello, ang epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay hudyat sa wage boards na magrekomenda ng adjustments sa minimum wages ng mga manggagawa.
Sinabi ng kalihim na ang kasalukuyang arawang minimum wage sa National Capital Region (NCR) na P537 ay hindi sasapat sa gitna ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin gayundin sa bayarin sa kuryente at tubig.
Umaasa naman ang kalihim na bago matapos ang Abril ay makakapagsumite na ang Wage Boards ng kanilang rekomendasyon.
Facebook Comments