Minimum Wage sa mga construction workers, pinatataas sa P900

Iminungkahi ni Acts-OFW Party-List Rep. John Bertiz na taasan sa P900 ang Minimum Wage ng mga construction workers.

Sa kasalukuyan, P537 ang Minimum Wage sa Metro Manila pero sa ibang bansa tulad ng New Zealand ay umaabot sa P5,300 ang sweldo kada araw ng isang OFW na nasa construction sector.

Ayon kay Bertiz, karaniwang problema ngayon ang kakulangan sa manpower dahil mas pinipili ng pinoy construction workers na magtrabaho abroad bunsod ng mas malaking kita.


Kung tataasan ang sweldo ng mga construction workers, maaaring magdalawang-isip ang mga manggagawa at manatili na lang sa Pilipinas lalo’t nakasaad naman sa batas na may kapangyarihan ang regional tripartite wages and productivity boards na itaas ang suweldo sa bawat industriya.
Mababatid na pitumpu’t limang big-ticket infrastructure projects ang inilatag ng Administrasyong Duterte bilang economic growth strategy na nagkakahalaga ng P9 trillion kung saan kabilang rito ang Metro Manila subway.

Facebook Comments