Inaasahang tataas ang Minimum Wage ng mga manggagawa sa Western Visayas bago matapos ang taon.
Ayon kay DOLE Western Visayas Regional Director Cyril Ticao, magsusumite sila ng bagong rates ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Wages and Productivity Commission para aprubahan ito.
Sa ilalim ng bagong wage order, ang Daily Minimum Rate ng mga manggagawa sa Non-Agriculture, Industrial at Commercial Businessses na may higit 10 manggagawa ay nasa 395 Pesos na.
Sa mga nagtatrabaho sa anumang negosyo na may higit 10 manggagawa ay makakatanggap na ng 310 Pesos.
Nasa 315 Pesos na ang arawang sahod sa mga manggagawa sa Agricultural Sector.
Ang pag-apruba ng RTWPB sa Bagong Wage Rates ay kasunod ng petisyong inihain ng New Independent Workers Organization sa Negros Occidental nitong Hulyo.
Ang Western Visayas RTWPB ay sakop ang mga probinsya ng Negros Occidental, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo.