MINING BAN | Total mining ban sa Itogon, Benguet, ipatutupad sa October 1, 2018

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan ang mga mining operator sa pagpapatupad ng total mining ban simula sa October 1, 2018.

Ito’y matapos ang malagim na landslide sa Barangay Ucab kung saan nasawi ang ilang minero kasama ang kanilang mga kaanak sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Babala ni Palangdan – ang sinumang lumabag sa total ban ay paparusahan.


Sa ngayon, magpapatuloy pa rin ang retrieval operations sa lugar.

Sa huling tala, umabot na sa 87 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa gumuhong lupa habang 15 naman ang nawawala.

Facebook Comments