Manila, Philippines – Bubuo nang limang team ang Mining Industry Coordinating Council o MICC na susuri sa mga minahan at sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan malapit rito.
Ito ang napagkasunduan sa ikalawang pulong ng MICC kasama kinatwan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang sina Environment Secretary Gina Lopez at Finance Undersecretary Bayani Agabin.
Ang nasabing team ay bubuuin ng tig-limang miyembro mula sa mga eksperto sa kalikasan, batas, pananalapi, walang koneksyon o hindi nagtrabaho sa mga mining company, hindi kabilang sa pro at anti mining group at walang vested interest.
Maliban rito, nagkasundo rin ang MICC na ilalagay na criteria ang social justice sa gagawing pagsusuri.
Nagkaisa rin sila na recommendatory at hindi mababago ang unang pasya ng denr na ipasara ang 23 mga minahan.
Pero giit ni Agabin, isusumite rin nila ang MICC audit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, kinumpirma naman ni Lopez na hindi pa sila nagkakausap ni Finance Sec. Sonny Dominguez na naninindigang hindi dumaan sa due proseso ang pagpapasara ni Lopez sa mga minahan sa bansa.
Giit ni Lopez, tanggap niyang magkaiba ang posisyon nila ni Dominguez sa isyu ng minahan dahil may vested interest ito.
Samantala, sinabi ni Lopez na hinihintay niya ang reappointment ng pangulo matapos mabigo ang Commission on Appointments na kumpirmahin siya bilang kalihim ng DENR.
Facebook Comments