Mining industry, hinimok ni Speaker GMA na makipagtulungan sa gobyerno

Manila, Philippines – Hinikayat ni House Speaker Gloria Arroyo ang mining industry na makipagtulungan kay Pangulong Duterte at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para makamit ang economic at environmental growth ng bansa.

Nanawagan si Arroyo sa mining industry na tiyaking nasusunod ang batas patungkol sa sustainable at responsableng pagmimina.

Kung makikipagtulungan ang mining industry sa gobyerno ay malaki ang maiaambag nito sa kita, exports, paglikha ng trabaho, pag-unlad ng ekonomiya at paglago ng mga komunidad.


Pinayuhan naman ng speaker ang DENR na huwag lamang maging regulator kundi maging promoter din ng responsable, world-class at efficient na mining business.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa harap ng Philippine Nickel Industry Association (PNIA) kung saan sinabi din nito na malaki ang maitutulong ng nickel mining industry sa economic policies ni Pangulong Duterte partikular na sa Build, Build, Build Program at tax reform.

Facebook Comments