Bahagi pa rin ng pagbisita sa Pilipinas ng minister of foreign affairs ng Japan na si Takeshi Iwaya.
Nakipagpulong ito sa economic affairs minister ng Pilipinas kabilang na si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go at ang kalihim ng Department of Public Works and Higjway (DPWH) na si Manuel Bonoan.
Malugod na tinanggap ng Philippine economic affairs minister ang unang overseas trip para kay Minister Iwaya rito sa Pilipinas.
Pagkatapos nito ay pinag-usapan nila ang magiging kooperasyon ng Pilipinas at Japan tungkol sa infrastructure resiliency, economic security, trade and investment, at economic and social development upang lalo pang pagtibayin ang bilateral at trilateral cooperation ng dalawang bansa.
Ipinahayag din ni Minister Iwaya ang kanyang pagnanais na lalo pang palakasin ang matagal nang matibay na ugnayan ng economic relationship sa pagitan ng bansang Pilipinas at Japan.