MINO-MONITOR | 8,000 hot spots area, tinututukan na ng PNP

Manila, Philippines – Walong libong (8,000) hot spots o areas of concern ang mahigpit na tinututukan ngayon ng PNP para sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde – initial list pa lang ito ng pnp at maaari pang madagdagan sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, may ginagawa nang assessment ang pnp sa mga lugar na may mga naitalangf insidente na may kaugnayan sa pulitika.


Mahigpit ding mino-monitor ng PNP ang nasa 77 mga private armed groups na nag-ooperate sa bansa na karamihan ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kasama ding tinututukan ng pnp ang mga gun-for-hire syndicates dahil sila ang posibleng gamitin para sa mga insidente ng patayan.

Samantala, ipinag-utos na ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na ngayon pa lang ay magpatupad na ng adjustment sa kanilang personnel at mag-deploy ng mga tauhan sa mga hot spots area.

Facebook Comments