MINOR BASILICA OF OUR LADY OF MANAOAG, ISINAILALIM SA DALAWANG LINGGONG LOCKDOWN

MANAOAG, PANGASINAN – Nagdeklara ng dalawang linggong lockdown ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag matapos isailalim ang bayan sa modified enhanced community quarantine dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa abiso ng PNP Manaoag, ngayong araw ika-5 ng setyembre pansamantalang isasara ang simbahan hanggang sa ika- 19 ng ngayong buwan.

Bagamat sarado, isasagawa pa rin ang online masses na mapapanood sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Facebook Page.


Ayon sa simbahan isasagawa ang online masses sa araw-araw na magsisimula ng 6: 00, 10: 30 ng umaga at 4: 30 ng hapon. Karagdagang misa naman sa oras ng 7: 30 at 9:00 ng umaga sa araw ng linggo.

Hindi rin pinapayagan ang mga bikers mula sa karatig bayan na pumasok dito base sa guidelines ng mecq na inilabas ng IATF.

Sa huling datos ng Provincial Health Office, mayroon ng 53 aktibong kaso ang bayan ng Manaoag.

Samantala, matatandaan na una ng isinailalim ang Pozorrubio at Sison sa ilalim ng mecq dahil sa covid-19.

Facebook Comments