Inaasahan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos at ng pamunuan ng bagong Minor Basilica ang pagdagsa ng mga deboto dahil sa papalapit na panahon ng kuwaresma o Semana Santa.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kamakailan kay City Mayor Jullier Ayoy Resuello, ang naturang simbahan na ang pinakahuling simbahan na itatalaga bilang Minor Basilica sa buong mundo kung saan handang-handa rin ang LGU sa pagdagsa ng mga deboto.
Sa ngayon aniya, ay nagpapatuloy umano ang kanilang mga plano upang mas pagandahin at i-improve pa ang facilities ng simbahan kagaya ng ibang mga dinarayong mga simbahan.
Ayon naman sa pagpapatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang church goers na taga lungsod ay masuwerte umano sila dahil napili ang kanilang simbahan ng Vatican City upang bigyan ng mataas na pagkilala o recognition bilang Minor Basilica.
Samantala, matatandaang Enero 14 taong kasalukuyan nang isinagawa ang Solemn Liturgical Declaration ng Minor Basilica of St. Dominic De Guzman sa Lungsod. |ifmnews
Facebook Comments