Minor-de-Edad, Pinaniniwalaang Nalunod sa Blue Beach River, Camarines Sur

Patuloy ang isinasagawang imbistigasyon ng pulisya kaugnay ng pagkamatay ng isang menor-de-edad sa Blue Beach River, Sitio Malitbong, Brgy. Olag Pequenyo, bayan ng Tinambac sa Camarines Sur.
Na-retrieve ng mga kawani ng pulisya ang wala ng buhay na katawan ng batang kinilalang si Alexa Moyo y Vinyas, edad 14, estudyante at residente ng Brgy. Bataan, Tinambac, Camarines Sur. Nakalutang ito sa ilog at pinaniniwalaang nalunod.
Ayon sa pahayag nina Mica at Princess, kapatid ng biktiima, magkasama umano sila bandang alas 12 ng tanghali noong September 28. Bandang alas 4 ng hapon nang paalis na sila saka nila napansin na missing na si Alexa.
Gabi na ng September 28 nai-report ni Maritess Moyo, nanay ng biktima, sa kapulisan ang pagkawala ni Alexa.
Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang kapulisan sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard. Subalit sa kasamaang-palad, bandang alas 2:30 na ng hapon ng September 29 nakitang palutang-lutang ang katawan ng bata sa Blue Beach river at wala na itong buhay.
Kasama mo sa impormasyon at balita, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!

Facebook Comments