Kinumpirma ni Philippine Consul General in Hong Kong Antonio Morales na isang Pinoy ang nasugatan sa gitna ng pananalasa doon ng bagyong Mangkhut (bagyong Ompong).
Ayon kay Morales, nagtamo ng minor injury ang Pinoy matapos lumabas ng bahay para bumili sa convenience store habang nananalasa ang bagyo.
Aniya, isang grupo rin ng mga Pinoy ang nai-stranded sa paliparan.
Tiniyak naman ni Morales na ligtas ang mga Pinoy sa Hong Kong.
Facebook Comments