
Nasa mahigit 900 na indibidwal ang apektado ng habagat sa lalawigan ng Negros Occidental.
Batay sa talaan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, nasa 924 na indibidwal o 247 na pamilya ang apektado.
Sa mga naitalang pagbaha at minor landslide, pinakamaraming apektado ay ang Kabankalan na may naitalang 636 katao, Ilog na mayroong 144 katao, Sipalay na may bilang na 110, at bayan ng Cauayan na may 34 indibidwal.
Wala namang naitalang missing persons at casualties.
Samantala, nanatiling suspendido ngayong araw ang klase sa lahat ng antas ng private at public schools sa lungsod ng Kabankalan at mga bayan ng La Castellana at Ilog.
Facebook Comments









