Minority Bloc sa Senado, binigyan na ng Committee Chairmanship

Taliwas sa unang inakala ni Senator Imee Marcos na wala na siyang hahawakang komite matapos na magpalit ng liderato, nabigyan pa rin siya ng Committee Chairmanship sa ilalim ng liderato ni Senate President Tito Sotto III.

Nanatili pa rin si Sen. Imee na Chairman ng Committee on Foreign Relations na pinamunuan niya mula pa noong 19th Congress.

Bukod kay Marcos, na-retain din sa pagiging Chairman ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation si Sen. Bato dela Rosa.

Anim pa sa mga miyembro ng minorya ay mauupong chairman ng mga sumusunod na komite:

• Sen. Joel Villanueva para sa Committee on Banks and Financial Institutions and Currencies;
• Sen. Robin Padilla para sa Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs at Committee on Public Information and Mass Media;
• Sen. Bong Go para sa Committee on Sports at Committee on Youth;
• Sen. Rodante Marcoleta para sa Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship;
• Sen. Chiz Escudero para sa Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement; at
• Sen. Jinggoy Estrada para sa Committee on Local Government.

Facebook Comments