Minority group sa senado, buo na; ilan pang senador, naitalaga na rin sa mga komite

Bunsod ng pagbabago sa liderato ng Senado, naihalal na bilang Senate Minority Leader si Senator Alan Peter Cayetano.

Ito’y matapos mabuo ang grupo ng oposisyon sa Senado na binubuo nina Cayetano, dating Senate President Chiz Escudero, at Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla at Bato dela Rosa.

Itinalaga naman na mga Deputy Minority Leaders sina Villanueva at Marcoleta.

Samantala, sa matagal na panahon na nasa minorya ay tatayo na bilang Deputy Majority Leader si Senator Risa Hontiveros kasama si Senator JV Ejercito.

Dagdag dito naitalaga na ang mga sumusunod na senador bilang bagong Chairperson ng mga komite:
1. Sen. Ping Lacson Chairman ng Blue Ribbon (kapalit ni Sen. Rodante Marcoleta);
2. Sen. Raffy Tulfo, Chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Devt. (kapalit ni Sen. Imee Marcos);
3. Sen. Loren Legarda, Chairman ng Committee on Higher Technical & Vocational Education- (kapalit ni Sen. Alan Peter Cayetano); 4. Chairman ng National Defense- (kapalit ni Sen. Jinggoy Estrada);
4. Chairman ng Committee on Accounts (kapalit ni Sen. Alan Peter Cayetano);
5. Sen. JV Ejercito, Chairman ng Committee on Public order and dangerous drugs (kapalit ni Sen. Bato dela Rosa); at
6. Sen. Risa Hontiveros, Chairman ng Committee on Health (kapalit ni Sen. Bong Go)

Facebook Comments