
Tiniyak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mananatili pa rin si Senate President Tito Sotto III sa kanyang pwesto at walang mangyayaring kudeta sa nakatakdang pagsasara ng sesyon sa Biyernes (October 10) para sa Undas break.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Cayetano na ang usapin ng pagpapalit ng senate leadership ay posibleng nagmula sa mga taga suporta ng mayorya at minorya.
Itinanggi rin ng minority leader na may umiikot na resolusyon para siya ay suportahang ipalit kay Sotto bilang Senate President.
Mariin ding pinabulaanan ni Cayetano na pinaguusapan sa minority ang pagpapalit ng liderato dahil naniniwala siyang masaya naman ang mga nasa mayorya habang maayos naman ang papel ngayon ng minorya.
Wala rin aniyang aktibong panliligaw sa mga kasamahang senador para sumama sa kanilang bloke subalit kung mayroon mang gustong umanib sa kanilang grupo ay bukas naman silang tanggapin ito.









