Magpupulong ang mga miyembro ng Minorya mamaya, para pag-usapan kung sino ang kanilang magiging lider.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., magsasagawa sila ng botohan para mailuklok ang tatayong minority leader.
Paliwanag ni Garbin, susundin nila ang Fariñas doctrine, kung saan ang mga taga minorya ang mamimili ng kanilang pinuno.
Sa eleksyon ng House Speaker kahapon, ang natalong kandidato ay si Manila 6th District Rep. Benny Abante na nakakuha ng 28 na boto laban kay Speaker Alan Cayetano.
Nauna rito, bumuo ng koalisyon ang minority group na kinabibilangan ng Makabayan bloc, pitong taga Liberal Party at ilang mga taga partylist group at nagkasundo silang gawing lider si Abante.
Facebook Comments