Monday, February 16, 2026

Minorya, magpupulong para pag-usapan ang ICC case nina Senators Bong Go at Bato dela Rosa

Magpupulong ang minorya sa Senado para talakayin at maglatag ng hakbang sa kung ano ang gagawin sakali mang arestuhin din ng International Criminal Court (ICC) sina Senators Bong Go at Bato dela Rosa.

Kamakailan lang ay pinangalanan ng ICC sina Go at Dela Rosa na mga co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad na “war on drugs” sa Davao City at sa buong bansa.

Ayon kay Padilla, inaasahang ngayong linggong ito ay magpapatawag ng pagdinig si minority leader Alan Peter Cayetano dahil “urgent” ang nasabing usapin at tiyak na makakaapekto ito sa kanilang mga taga-minoriya.

Inamin din ni Padilla na depressing para sa kanya ang sitwasyon ng dalawa niyang kasamahan sa Duterte bloc dahil sakaling arestuhin ang mga ito ay mag-isa na lamang siya.

Samantala, nauna na ring itinanggi ni Go ang mga alegasyon ng ICC at iginiit niyang ginawa lamang niya ang kanyang trabaho na naaayon sa batas at sa batas ng Diyos.

Wala rin aniyang basehan, one-sided, hindi patas at walang kaugnayan sa kanyang mga naging papel at responsibilidad noong siya pa ay Special Assistant to the President noong 2016 hanggang 2018 at Executive Assistant sa Mayor ng Davao City mula 1998 hanggang 2016 ang mga paratang ng ICC.

Facebook Comments