
Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa liderato ng Senado na itaguyod ang prinsipyo ng pagbibigay proteksyon sa institusyon at ng integridad ng batas.
Kaugnay na rin ito sa nabalitang pag-aresto umano ng International Criminal Court (ICC) kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Iginiit ni Cayetano na malinaw sa Supreme Court (SC) rules na ang Extradition Proceedings ay kailangang nag-ugat sa batas at due process at hindi ibinase sa bias at emosyon.
Apela ng minority leader sa Senado na manindigan sa pagiging patas at hindi sa pribilehiyo, pagtataguyod sa mga myembro, at pagbibigay ng hustisya na walang kinikilingan.
Paalala ni Cayetano na ang bawat Pilipino, senador man o ordinaryong mamamayan, ay nararapat mabigyan ng patas na pagtrato at buong due process.
Samantala, mula nang magbalik-sesyon ang Senado noong Martes ay hindi pa rin dumadalo ng sesyon si Dela Rosa pero may mga posts ito sa kanyang social media account tulad ng pagreactivate ng kanyang pagkukubli noong mga panahon intelligence group days at pinakahuli ay ang pagkwestyon nito sa pananahimik aniya ng mga “pinklawans” at mga komunista sa latest video ni dating Cong. Zaldy Co at tungkol sa budget insertions sa 2025.









