Minorya ng senado, nagpahayag ng suporta kay Sen. Leila De Lima na makadalo sa mga mahahalagang pagtatalakay ng mga panukalang batas

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang minorya ng senado sa hirit ni Sen. Leila De Lima na makalabas ng kulungan para dumalo sa mahahalagang pagtatalakay sa mga panukalang batas.

Naghain ng senate resolution no. 391 ang minorya sa pamumuno ni Senate Minority Leader Franklin Drilon para suportahan ang legislative furlough ni De Lima na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center.

Tinukoy ng minorya sa kanilang resolusyon ang pagpayag ng korte na makalabas sina dating Sen. Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada dahil sa ilang okasyon ng pamilya at personal at health reasons.


Ilan sa mga gustong daluhan ng senadora ang pagtatalakay sa death penalty, lowering age of criminal liability at pagpapaliban ng barangay elections.

Nitong mayo 1, bumisita ang minorya na kinabibilangan nina Drilon, Senators Risa Hontiveros, Antonio Trillanes at Kiko Pangilinan si De Lima sa kulungan.

* DZXL558*

Facebook Comments