Inirekomenda ni House Minority Leader Benny Abante ang Department of Education (DepEd) na magpilot testing muna ng isinusulong na blended learning modality.
Giit ni Abante, hindi lahat ng guro at estudyante ay handa para sa distance education at online learning.
Dapat aniyang ikonsidera ang malaking hamon sa kakulangan sa imprastraktura at kagamitan para maisakatuparan ang blended learning gayundin ang pagsasanay ng mga guro sa bagong set-up ng pagtuturo.
Mas mainam aniya na pumili na lamang muna ang DepEd ng mga lugar kung saan ipapatupad ang blended learning at aralin kung ano ang magiging pagkukulang at aberya bago tuluyang ipatupad sa buong bansa.
Iginiit din ng kongresista na i-adopt ang pass o fail grading system sa unang term dahil lahat pa ay nagaadjust sa bagong sistema ng edukasyon.