Magsasagawa ang minorya sa Kamara ng sariling budget deliberation matapos na ipatigil ang pagtalakay sa plenaryo at aprubahan sa ikalawang pagbasa ang P4.5 trillion na 2021 national budget.
Sa statement na inilabas ng minorya na nilagdaan ng 19 na minority solons, magsasagawa sila ng parallel budget deliberation at pagbusisi sa pondo ng bawat ahensya ng gobyerno, salig na rin sa kanilang mandato bilang mga halal na kinatawan ng mga Pilipino.
Posibleng sa Lunes ay masimulan na ng Minority Bloc ang video conferencing sa deliberasyon sa budget ng natitirang 14 na mga malalaking ahensya na hindi naisalang sa plenaryo.
Tiniyak din ng oposisyon na magiging bukas sa publiko ang kanilang budget deliberation at igigiit ng grupo ang kanilang mga pag-amyenda at rekomendasyon sa pambansang pondo.