
Walang nararamdaman ang minority group sa Kamara na kudeta o rigodon sa liderato nito.
Ito ang ipinahayag ni House Minority Leader Marcelino Libanan kasunod ng mga kumakalat sa social media na papalitan na bilang Speaker si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Libanan, sila sa minorya ay wala silang nababalitaan ukol sa pagbabago ng House leadership.
Patuloy nating kinukuha ang reaksyon ng tanggapan ni Speaker Romualdez dito.
Una nang nagkaroon ng palitan ng liderato sa Senado kung saan pinalitan ni Senador Tito Sotto si Senate President Chiz Escudero.
Facebook Comments









