Minorya sa Senado, handang makipagtulungan sakaling may kumwestyon sa Maharlika Investment Fund sa Korte Suprema

Nakahanda si Senate Minority Leader Koko Pimentel na maging resource person sakaling may magkwestyon sa Maharlika Investment Fund (MIF) sa Korte Suprema.

Naniniwala si Pimentel na ang Supreme Court ang susunod na ‘battleground’ ng kontrobersyal na MIF.

Ayon kay Pimentel, maaaring hamunin ang MIF sa korte at kung may mag-plano mang gawin ito ay nakahanda aniya siyang maging source ng mga fact, impormasyon at mga argumento.


Sinabi pa ni Pimentel na kung hindi ma-veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang MIF Bill ay hindi nito matatagalan ang pagbusisi ng korte sakali mang may kumwestyon nito.

Naunang hinimok ng senador ang Pangulo na i-veto ang kapapasa pa lang sa Kongreso na Maharlika Investment Fund dahil ang kasalukuyang porma ng panukala ay hindi umano katanggap-tanggap.

Mababatid na pinuna ni Pimentel ang dalawang probisyon sa MIF Bill kung saan magkaiba ang prescriptive period para sa mga lalabag sa batas.

Facebook Comments