Minorya sa Senado, hinimok ang pangulo na talakayin sa SONA ang tunay na sitwasyon ng bansa

Hiniling ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Bongbong Marcos na iprisinta sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang tunay na sitwasyon ng bansa.

Giit ni Pimentel na karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan sa lagay ng Pilipinas.

Ilan sa mga isyung dapat na talakayin ng pangulo sa kanyang SONA ang mataas na “cost of living” sa bansa, hindi sapat na kita ng mga Pinoy, mga problema sa edukasyon, unemployment at underemployment, at ang lumulubong utang ng bansa.


Binigyang-diin pa ng senador ang kahalagahan ng edukasyon bilang great equalizer kaya dapat bigyan din ng malaking alokasyon ang computer-coding sa school curriculum.

Kailangang din aniyang marinig sa pangulo ang pagtalakay sa mental health conditions o problems at pagkakaroon ng one-stop shop para sa long-term foreign investors.

Hihintayin din ng Senate Minority Leader ang paliwanag ng pangulo sa naging problema sa asukal at sibuyas na lumobo nang husto ang presyo gayundin ang patuloy na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Facebook Comments