Minorya sa Senado, sang-ayon sa hindi muna paglagda ni PBBM sa 2025 budget

Pabor si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagpapaliban ni Pangulong Bongbong Marcos na lagdaan ang 2025 national budget.

Naniniwala si Pimentel na tama lang ang naging desisyon ni PBBM na hindi muna lagdaan ang pinal na bersyon ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Aniya, pagpapakita ito na sensitibo ang palasyo sa sentimyento ng taumbayan matapos na marami ang umangal sa ilang probisyon ng 2025 budget tulad ng zero subsidy para sa PhilHealth at ang mas mataas na budget para sa imprastraktura kumpara sa education sector.


Sinabi ni Pimentel na bilang Executive Branch na pinagmulan ng budget proposal ay nararapat lamang na silipin kung bakit tinapyasan ang mga sektor na kabilang pa sa prayoridad ng administrasyon.

Kapag may na-line item veto ang pangulo sa budget ng imprastraktura, hindi naman pwedeng gastusin ang nasabing pondo para sa partikular na proyekto.

Sa ganitong paraan, maibababa ang budget ng Department of Public Works and Highways Government (DPWH) at masusunod ang nasa Konstitusyon na dapat highest priority sa paglalaan ng pondo ang sektor ng edukasyon.

Facebook Comments