Minorya, tiniyak na hindi agad palulusutin ang budget ng PNP

Manila, Philippines – Nangako ang Minorya sa Kamara na dadaan sa butas ng karayom ang budget ng PNP para sa susunod na taon sa oras na sumalang sa plenaryo.

Sa 22.69 Billion na budget ng DILG sa susunod na taon, malaking bahagi dito ay sa PNP na aabot ng 131.261 Billion.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, bunsod ng mga nangyayari na patayan dahil sa war on drugs ng pamahalaan ay sinigurong didikdikin nila sa mga isyu ang PNP.


Hiniling ni Suarez, bago aprubahan ang pondo ng PNP ay dapat may ilatag na malinaw na programa ang ahensya sa paglaban sa iligal na droga at huwag lamang puro patayan.

Hindi na nagugustuhan ng Minorya ang paraan sa paglaban sa droga sa pamahalaan lalo na ang pinaka-kontrobersyal na pagpatay sa Grade 11 student.

Mariing iginiit pa ni Suarez na itigil na ng administrasyon ang Oplan Galugad dahil mismong sa hanay ng PNP ay may nagbibigay proteksyon sa mga malalaking sindikatong sangkot sa illegal drugs.

Facebook Comments