
Kumpyansa si Senate Minority Leader Tito Sotto III na susunod ang Senado kapag binaligtad ng Korte Suprema ang kanilang naunang desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasunod na rin ito ng pangamba ng Kamara na posibleng maging pahirapan ang paglabas ng articles of impeachment sa archived ng Senado kapag nabago ang desisyon ng Supreme Court pabor sa motion for reconsideration.
Duda si Sotto na hindi susunod ang mga kasamahan dahil karamihan ng mga senador na bumoto pabor para i-archive ang impeachment case ay dahil sumusunod lamang sa SC ruling.
Dahil dito, tiwala ang mambabatas na tatalima muli ang mga senador sa kautusan ng Korte Suprema at makatwiran lamang na tugunan nila ang agad na pagbubukas ng articles of impeachment laban sa bise presidente.
Kung hindi aniya susunod ang Senado sa magiging desisyon ng SC ay lalabas na nagsisinungaling ang mga kapwa senador.









