“Miracle pill” laban sa COVID-19, bibilhin ni Pangulong Duterte

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibili ng “miracle pill” para sa COVID-19.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na siya mismo ang mangunguna sa distribusyon nito kapag naging available na ito.

Positibo ang Pangulo na may malilikhang lunas para sa respiratory illness sa harap ng pagtaas ng kaso ng infection sa bansa.


Habang wala pang bakuna o gamot para sa COVID-19, muling umapela si Pangulong Duterte sa publiko na sundin ang health precautionary measures tulad ng physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Pero iginiit ni Pangulong Duterte na huwag sisihin ang pamahalaan kapag sila ay tinamaan ng sakit sa kabila ng mga paalala ng pamahalaan.

Facebook Comments