Iniurong sa mas maaga na oras ang misa at necrological service para sa yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles.
Sa inilabas na media advisory ni Press and Public Affairs Bureau Director V Rica Dela Cuesta, inilipat sa alas otso ng umaga sa halip na alas nueve ng umaga ang misa na susundan ng necrological service para kay Nograles.
Pangungunahan ni House Speaker Gloria Arroyo ang nasabing programa.
Ang flag draping ceremony ay isasagawa ng Congressional Honor Guards kasama sina Sec. General Dante Roberto Maling at Sgt. At Arms Maj. Gen. Romeo Prestoza.
Pagkatapos nito ay magtatanghalian sa South Lounge ng Kamara ang mga kongresista kasama ang pamilya Nograles.
Mula sa Kamara ay ibabyahe na ng ala una ng hapon sa Davao City ang labi ng dating Speaker Nograles.
Kaninang umaga ay sinalubong ng naka-half mast ang watawat ng Pilipinas ang mga empleyado ng Batasan.
Kilala bilang mapagmalasakit si Nograles na siyang minahal ng mga kongresista at mga kawani ng Mababang Kapulungan.