MISA AT PRUSISYON PARA SA KAPISTAHAN NG STO. NIÑO, ISINAGAWA SA MANAOAG

Nagsagawa ng misa at prusisyon ang simbahan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag kahapon bilang bahagi ng selebrasyon sa Kapistahan ng Sto. Niño.

Isinagawa ang sunod-sunod na misa mula alas singko ng umaga hanggang alas kwatro y media ng hapon.

Daan-daang mga deboto at bisita ang dumayo upang makimisa sa nasabing simbahan, lalo na at araw ng linggo, upang ipanalangin ang kanilang mga kahilingan.

Isinagawa rin ang Eucharistic Celebration, kasunod ng Solemn Procession bandang alas singko y media ng hapon.

Nagsimula ang debosyon sa Santo Niño noong 1521, nang ibigay ni Ferdinand Magellan ang imahe ng Santo Niño kay Reyna Juana ng Cebu matapos siyang mabinyagan.

Ang imaheng ito ang itinuturing na pinakamatandang relikyang Kristiyano sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments