Misa, isasagawa sa Barangay Anoling sa Camalig para sa mga sakay at responders ng bumagsaka na Cessna plane

Magsasagawa ng banal na misa ang pamahalaang bayan ng Camalig, Albay upang mag-alay ng dasal sa mga biktima ng bumagsak na Cessna 340 plane.

Gaganapin ito mamayang alas-2 ng hapon sa Anoling Basketball Court sa Barangay Anoling.

Layon din ng misa na ipagdasal ang kaligtasan ng mga responders.


Kahapon ay na-retrieve na ang mga responders ang mga labi ng apat na sakay ng Cessna plane.

Ayon kay Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., pipilitin ng mga responders na maibaba ang mga labi ngayong araw.

Sa ngayon, pahirapan pa rin ang pagbababa sa mga labi dahil kahit maganda ang panahon sa baba ay lagi namang maulap sa itaas ng Bulkang Mayon.

Oras na maibaba, ite-turnover ang mga labi sa SOCO saka dadalhin sa punerarya.

Facebook Comments