Misa ng Tindig Pilipinas, isinagawa sa EDSA Shrine

Humigit kumulang aabot sa 800 ang dumalo sa isang misa sa EDSA Shrine na inorganisa ng grupong Tindig Pilipinas kasabay ng ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Kabilang sa mga personalidad na dumalo sa misa ay sina dating Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Dinky Soliman, dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP Secretary Ging Delez, dating Budget Secretary Butch Abad at dating Commission on Higher Education o CHED Chair Patricia Licuanan.

Gayundin, ang singer na si Leah Navarro at PR Specialist na si Rely German subalit kapansin-pansin na wala ni isang bakas ng pamilya Aquino sa misa.


Pinangunahan ang Misa ni Fr. Lari Abaco na nagsabi sa kaniyang homiliya na sa panahon ngayon ng pangamba at gulo, may masasandigang Diyos na maawain.

Pagkatapos ng misa, nagtipon ang mga miyembro ng Tindig Pilipinas sa labas ng EDSA Shrine na nakasuot ng face mask at naka-Laban sign, isinisigaw ang mga katagang “Duterte Virus, Puksain. Demokrsya pa rin.”

Facebook Comments