Bawal pa rin ang mga mass gathering gaya ng misa ngayong Linggo sa National Capital Region (NCR).
Ito ang paalala ng Simbahan at gobyerno kahit nakasailalim na lang sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), papayagan lang ang religious activities kung lalahukan lang ito ng limang tao at hindi gaganapin sa buong simbahan.
Samantala, karamihan sa mga aktibidad sa simbahan ay isinasagawa pa rin online.
Nabatid na ngayong Linggo ang kapistahan ng iba’t ibang parokya sa Archdiocese of Manila kabilang ang St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo; Our Lady of Peace and Good Voyage sa Tondo; Nuestra Señora de Gracia sa Makati at Our Lady of the Abandoned sa Mandaluyong.